Joey De Leon’s Poem for Willie Revillame

I got to re-post this Tagalog poem written by Joey De Leon for Willie Revillame about an incident that happened on August 5. I have to say — he nailed it.

Mga kababayan at bayan ko, basahin n’yo

Wala na sa piling ng mga Pilipino,
Tinig ng awiting Mga Kababayan Ko,
At lumisan na rin noong isang Sabado,
Inang nagpalipad sa awiting Bayan Ko.

Ako’y sumasaludo, paalam Pangulo,
May isa ‘kong lihim, kay tagal itinago,
Sa lahat nang inabot kong mga namuno,
Tanging ikaw lang sa luha ko’y nagpatulo.

Marami ang nalungkot sa iyong pagyao,
Magalang ang lahat at puno ng respeto,
Nagpasalamat pa nga Kapamilya sa ‘yo,
Dahil kanilang himpilan naibalik mo.

Subalit ano itong nabalitaan ko?
Nangyari noong Lunes, a-tres ng Agosto,
Habang inililipat ang mga labi mo,
Ika’y parang nabastos sa isang TV show.

At ang napakasaklap at masakit dito,
Ang nambastos pa’y kapamilya ng anak mo,
Napanood ito ng tao at publiko,
Kakaunti na nga, ngunit lahat nahilo.

Sabi ng TV host na mainit ang ulo
Pagkakita sa video na kanyang kasalo,
“Sandali, meron akong ano… sa’ting ano…
Hindi naman sa ano,” nagkaanu-ano!

Ayon sa Internet, meron pa s’yang nasambit,
“Sana pakitanggal muna ‘yan sa’ting traffic…”
At ‘di maaalis sa iyong pag-iisip,
Ang parada ng patay ang pinaliligpit!

At dagdag pa daw ng naghahari-harian,
“I don’t think na dapat n’yong ipakita iyan…”
Nasaan naman ang paggalang, o nasaan?
Mga sinasabi natin minsa’y pag-ingatan.

At ‘di pa nangimi nang sumunod na araw,
Pinilit pa ring ginawa n’ya ay tama raw,
Mga nakarinig ‘di na nakagalaw
At ayon sa iba sila na la’y napa-wow!

“… Pero ako, totoo ‘ko eh … “, sabi kuno,
Totoo nga at totoo ring walang modo,
Pwede namang sabihin itong pa-sikreto,
Kaya’t wala na rin mga paliwanag mo.

Kung ganyan, pakita na lang ‘yan!”, ang hamon pa,
Para bang ang prusisyon nila-“lang – lang” lang ba,
Ang pangasiwaan ay pinapili pa n’ya,
Sumunod ang himpilan, nung August 5 wala s’ya.

May mga komentong pwede nang pang-harapan,
“On camera” baga sa TV ang tawag d’yan
At kung sensitibo man ang gustong bitawan,
Pagpasok ng commercial, hintayin mo na lang.

Matutong magbaba muna ng mikropono
At saka idikta lahat ng iyong gusto,
Lagi kang mataas lahat daw takot sa ‘yo,
Ratings lang ang mababa — totoo ba ito?

The breaking news breaks your heart — at ‘yan ang bawi mo,
Nang mahalata mong sumablay ang pasok mo,
Pero sigurado ika’y maa-abswelto,
‘Di ba ikaw rin ang may-ari ng network n’yo?

Nung Hueves nag-apologize sa diario naman,
O, akala ko ba wala kang kasalanan,
Tapos ng angalan, sunod paliwanagan —
COMPLAIN before you EXPLAIN ka na naman!

O ito kaya ay isa na namang “glitch” lang,
Tulad ng “two-zero” ‘di na natin nalaman,
O ito ay maliwanag na kabobohan?
Sa tingin ng marami, mahirap lusutan.

Ang sabi ng iba — istupidong mayabang,
At giit ng iba — istupidong mayaman,
Mayaman man o mayabang ang tiyak diyan,
Napakayaman n’ya sa kaistupiduhan.

Buti pa ang apat na honor guards ni Cory —
Sina Malab, Laguindan, Rodriguez, Cadiente,
Walong oras tumayo sa ulan at viaje,
Ang lahat ay tiniis at walang sinabi.

Samantalang ikaw na may bubong sa ulo,
Komportable ka lang sa malamig na studio,
Nang kapirasong libing sa TV sumalo,
Angal at inis ang sumambulat sa iyo.

Maaari din namang pabayaan na s’ya,
Subalit ang nangyari’y mabigat talaga,
Namayapang pangulo’y huling paalam na,
‘Di mo pa pinagbigyan … hoy, nag-iisa ka!

At nais ko lang sabihin at ipagyabang
Sa mahigit na s’yam na libong tanghalian,
Sa limang pangulong sa Bulaga’y dumaan,
Kahit isa wala kaming nilapastangan

I am not a fan of Willie. I like the show , but not him. He is just too fake. Whenever he wears his “sad” face, it does not look genuine to me. His jokes? Mostly offending and has no cooth. Also, he has no sense of being discreet. His mouth is faster that his brain. When people react, then he apologizes.

Besides, if you will put anybody with comedic act to host the game show, I am sure, it will still be a big hit. The show drives its viewers mainly because of the free money given away. Why? The thought of money freely given is just too good. Filipinos are generally “dreamy”. What most don’t realized, it is not Willie’s money. He is just a host. Maybe now that he is rich, he can afford to shed some.

Anyway, it is not worth getting stressed out about this issue. There are so many national issues that need to be tackled and resolved.  Willie’s change of attitude is not even one of it. Move on.

tingting-rimart

 

 

Advertisements

13 thoughts on “Joey De Leon’s Poem for Willie Revillame

  1. hi tingting,

    i think there’s nothing wrong about willie’s statement,if you watched the show you’ll really understand where he’s coming from….i loved them both as a comedian-host,he just wanted to removed it not as being disrespectful but professionally, how he can concentrate to entertain while they keep on showing tita cory’s funeral,it’s not really appropriate,if i were in willie’s shoes i might express that thought because “it” will steal your moments in the middle of entertainment,let’s just be fair,we’ve known that joey won’t stop until willie loses the battle…joey does it too personally,how come he can’t go with those people who made the country gets poorer and poorer? he feels jealousy because of willie’s achievements and he beats the rating before and that’s the milestones that willie will pay for the rest of the show… he thought this is really the big problem in our country,”crab mentality” sometimes overpower to most filipino’s mind and heart that’s why the country is far behind to its betterment,if you do good and bad,assuredly you’re still BAD…joey has sometimes a narrow-minded and convincing the people to see willie’s flaws, but the good news it’s not selling…willie is one of our sought after talk show host this time and he really brings happiness as i’ve noticed even i was still in the philippines,at first,i was appalled by this because cory aquino is trully can be considered as “our only queen” as per queen elizabeth and hated willlie for a couple of hours and then i searched this online and watched it and people are too over-reacted by this,he didn’t want to offend but he showed what his feelings will be when he sees the funeral while on his show…how can you bring laughter amidst your lost? it’s better not to show it then…

    just my thoughts too…

    • hoi kai2…..

      mas lalong bobo ka pala….d ka cguro umabot ng college kasi kitid ng utak u,tama lng c jennifer,madali kang humusga,napanood mo b o nakisama k lng basta-basta s balita….sa pagsulat u p lng halata ng wala kang pinag-aralan–loser…..

    • jennifer has a point…parang palengkera c “kai2”—bopol ka rin pala,you’re not rational and doesn;t even know how to judge….you’re one of a kind “alamat”..napag-iinitan c willie because he’s like a tree na namumunga kaya every words he says, laging napupuna….s tumahimik k na lng jan…you’re out of your mind…”,)..d magsama naman kayo ni joey na rapist…go jennifer!!!!!!!!!

  2. I don’t like WIllie R. and neither do i like watching wowowee… but when I watched what happened via youtube I could see where Willie is coming from, you can’t show a “happy” show and a funeral at the same time, parang pambabastos na rin yun. The TV station should not have aired wowowee and just showed Cory’s funeral instead.

  3. willie is willie,, joey is joey

    ano ba naman kayong dalawa,
    lagi nalang nang iintriga,
    kasalanan ba ni will oh kasalanan ni joey?,
    makakatulong kaya sa bayan,
    kung kayoy mag papatuloy pa?,

    rispeto ang katwiran na inyong pinag lalaban,
    sana matuwa nalang ang ating ina na pumanaw,
    sa inyong katarantaduhan,
    masaya ba si joey
    sa pang pepersonal kay willie?
    anong gusto nyang patunayan sa bayan
    sa kanyang mga higkain na di dapat tularan,

    trabaho sa wowowee ay mag paligaya ng sambayanan,
    at hindi pakealaman ang trabaho ng iba,
    marahil ,madaming tao ang nakaunawa sa ginawa mo,
    pero ito ang sigurado,
    madami din ang hindi uunawa nito,
    kahit pa igiling giling mo,
    at mag sayaw darling ka pa,

    imbis na mag payabangan,, bakit di kayo mag tulungan,
    alam naman ng bawat pilipino,
    na hangad nyong dalawa ay makapag pasaya sa sambayanan,
    at baka sakaling rispeto na inyong pinag-lalaban,
    ay mapansin nang bawat pilipino,
    lalo na ang pumanaw na ina ng lahat,

    salamat

  4. mga bobo kayong lahat! lider nyo si willie! :)si tingting lang pala ang ok dito…si jenifer ang vice-president sa kabobohan! …bobo!

  5. ano kb nman kai2 ang tanga2 m rin d kb marunong umintindi,dpat nga tlga mgsama kau n joey kc parehas kaung makitid ang utak,hndi marunong umunuwa,ngpa2dala dn kau s init ng ulo nyo,ay mali pla ngpa2dala kau s inggit s katawan nyo,palibhasa ms magaling at sikat s willie sainyo,khit saang bansa k pumunta cla prn ang no.1 s puso ng mga tao,,,go qatar ky willie lng tau,,,mga hunghang lng ang pumupuri ky joeyl……

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s